Manila, Philippines – Ipinagmalaki ng miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga malalaking proyektong imprastraktura pamahalaan na nakalinya sa taong ito.
Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea – kahit nakasentro sa paglaban sa krimen at droga ang administrasyon ay hindi pa rin nito pinapababayaan ang ekonomiya.
Ang paglago ng ekonomiya ay naka-angkla sa pagsusulong ng peace and order.
Sinabi naman ng President at CEO ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Vince Dizon – bukod sa mga bagong train system, bus at airport para maresolba ang trapik sa bansa, papaunlarin din ang mga siyudad gaya sa Clark, Pampanga para mapagalaw ang mga bentang produkto sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Nagpasalamat naman si Transportation Secretary Arthur Tugade sa pribadong sektor dahil sa kooperasyon at pagtulong sa administrasyon para mabuo ang mga planong imprastraktura.
Sinabi naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno – asahan na ang malaking paggastos sa pambansang pondo para maisulong ang golden age of infrastructures sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Sa kabila nito, iginiit naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez – nakabinbin pa rin sa kamara ang panukalang tax reform package kung saan ang dagdag koleksyon sa buwis ay pambawi sa planong babaan ang personal income tax
Nanawagan din ang mga Gabinete ng Pangulo sa media, pagtuunan ng pansin ang mga proyekto ng pangulo sa kanyang termino at iwasan na ang paninira sa administrasyon.
DZXL558