PNP Chief Ronald Dela Rosa, kumpiyansang malabong umusad sa International Criminal Court ang kasong isinampa laban kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kumpiyansa si PNP Chief Ronald Dela Rosa na malabong umusad sa International Criminal Court (ICC) ang kasong isinampa laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Dela Rosa – hindi tatanggapin ng ICC ang kasong crimes against humanity laban sa kanila ni Atty. Jude Sabio, abogado ni self-confessed Davao Death Squad hitman Edgar Matobato.

Duda pa si Bato na paniniwalaan ng ICC ang mga salaysay nila Matobato at retired SPO3 Arturo Lascañas.


Kahit kasama si Dela Rosa sa mga respondents sa kaso, sinabi ng PNP Chief na hindi maghahanda ang kaniyang legal team para ipagtanggol ang kaniyang sarili.
DZXL558

Facebook Comments