Manila, Philippines – Hinikayat ng mga miyembro ng Gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga investors at economic managers na mamuhunan sa Pilipinas.
Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez – ligtas na magtayo ng negosyo sa bansa.
Sinabi naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade – walang mararanasang korupsyon ang mga mamumuhunan sa kanilang itatayong negosyo sa Pilipinas.
Iprinisinta na rin ang mga infrastructure projects na balak itayo ng Duterte administration sa ilalim ng ‘Build, Build, Build’ program o ‘Dutertenomics’.
Kabilang dito ang massive airport development sa Visayas partikular sa Tacloban City, gayundin sa Davao City at Laguindingan at sa Northern Luzon partikular sa Laoag at Vigan.
Plano ding magtayo ng airport sa Bulacan na may apat na runways at balak ding pagandahin ang runways sa Clark International Airport sa Pampanga, development sa paliparan ng Subic, Olongapo at Sangley point sa Cavite.
DZXL558