Miyembro ng kilabot na Maute terrorist group na naaresto ng QCPD ihaharap kay PNP Chief Director Gen. Bato Dela Rosa

Manila, Philippines – Ipi-presinta ng  Quezon  City Police District kay PNP Chief  Director -General  Ronald  “BATO” Dela Rosa  ang arestadong hinihinalang miyembro ng kilabot na Maute Terrorist Group.
 
Ayon kay QCPD District  Director  P/Chief Supt. Guillermo Eleazar , alas nueve y media ng umaga mamaya ihaharap sa hepe ng Pambansang Pulisya sa Kampo Krame si Nasip Sarip alyas Sarip Ibrahim 35 anyos.
 
Si Sarip ay protektor umano ng teroristang grupo na sangkot sa pambobomba sa Lngos Leyte noong nakalipas na December 28 at pagtatanim ng bomba sa US Embassy noong nakalipas na taon.
 
Bukod sa nasamsam na  60mm Mortar na may C4 o pampasabog nakuha rin sa tindahan ni Sarip ang isang   Sub-Machine  Pistol,dalawang caliber .45, mga bala at 7 sachet ng shabu.
 
Bitbit ang isang Warrant of Arrest sinalakay ng QCPD ang tindahan ni Sarip sa Salaam Mosque Compound sa Brgy. Culiat pero nakatakas ang target na si Jamil Baja na miyembro ng Maute Terrorist Group.


Facebook Comments