Miyembro ng Komunistang Grupo, Inaresto sa kasong Pagpatay

34

Cauayan City, Isabela- Arestado ang dating miyembro ng Communist Terrorist Group at Top 6 Most Wanted Person (Provincial Level) matapos isilbi ng mga awtoridad ang warrant of arrest nito sa Sto. Niño, Cagayan kahapon, Enero 18.

Kinilala ang naaresto na si Allan Guitang,19-anyos, binate at residente ng Niug Norte, Sto. Niño Cagayan.


Magkatuwang na inaresto ng mga tauhan ng Sto. Niño Police Station PIT-Cagayan, RIU 2 PNP-IG, RID PRO2 at PIU, CPPO ang binata sa kanyang tinutuluyang bahay.

Ipinalabas naman ni hukom Edmar Castillo Sr. ng RTC Br. 11 Tuao Cagayan ang warrant of arrest para sa kasong pagpatay.

Nabatid na Disyembre 13,2020 ng boluntaryong sumuko sa mga awtoridad ang nasabing akusado.

Nasa pangangalaga ngayon ng pulisya ang akusado para sa kaukulang disposisyon.




Facebook Comments