Miyembro ng komunistang grupo na may kasong murder sa Bicol, arestado sa Pasig City

119

Bumagsak sa pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Anti-Terrorism Task Group (ATTG) Regional Intelligence Division Regional Special Operations Group ng NCRPO; Regional Mobile Force Battalion ng NCRPO at District Intelligence Unit ng Eastern Police District ang tinaguriang most wanted person na miyembro ng Kilusang Larangang Guerilla Communist Terrorist Group at may kasong murder sa Bicol na naaresto sa No. 4226 along Mars St., Sitio Pinalad, Centennial 2, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City.

Kinilala ang akusado na si Esteban Sergio Sales alyas “Waldo”, 59-anyos, miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG), EXECOM, Kilusang Larangang Guerilla (KLG 73), Bicol Region Party Committee (BRPC) na tubong Brgy. San Roque, Sagñay, Camarines Sur.


Nag-ugat ang operation sa pamamagitan ng mahabang surveillance at lateral coordination na nagresulta sa pagkakaaresto kay Sales na may pabuyang P700,000.

Matatandaan na si Sales ay responsible sa pagpatay kay German Berunga, isang Rebel Returnee at miyembro ng Citizen Active Auxiliary noong Setyembre 3, 2000 ganap na alas-9: 00 ng umaga kung saan walang awang pinagbabaril ng akusado ang naturang rebel returnee.

Facebook Comments