Miyembro ng Maute na nakikipagbakbakan sa Marawi, nadagdagan pa – AFP

Marawi City – Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nadagdagan pa ang mga miyembro ng Maute group na nakikipagbakbakan sa Marawi City.

Ayon kay AFP Spokesman Major General Restituto Padilla, batay sa kanilang pagtaya ay nasa humigit kumulang 100 na ngayon ang miyembro ng Maute.

Paliwanag ni Padilla, tumaas ang bilang ng mga kalaban ng gobyerno dahil pinilit ng mga orihinal na miyembro ng Maute ang kanilang mga bihag na humawak ng armas ang lumaban sa kanilang hanay.


Nagpaliwanag din naman si Padilla kung paano nakayananag tumagal ng mga Maute at kanilang mga bihag ng mahigit 3 buwan sa Marawi City.

Ayon kay Padilla, ang hawak ng Maute ay ang business district ng lungsod kung nasaan ang maraming establisyimento tulad ng mga supermarket, gasoline station at water distilling facility.

Facebook Comments