Video ng isang itlog na may lamang isa pang itlog, pinagkaguluhan sa China

China – Ikinagulat at ikinamangha ngayon ng ilang residente sa Zhengzhou, Henan Province ang nabiling itlog ng kanilang kapitbahay.

Nabatid kasi na kakaiba at unique ang nabiling itlog ni mister Zheng dahil nang biyakin niya ito, isang maliit at buong itlog pa ang nasa loob nito.

Dahil dito, agad niyang tinawag ang mga kapitbahay at kaniya-kaniya silang kuha ng video kung saan ang iba ay inabot pa ng magdamag makita lamang ang kakaibang itlog na ito.


Hindi naman maipaliwanag ng mga eksperto kung paano at ano ang nangyari dahil maging sila ay namangha sa kanlang nakita.

Facebook Comments