Miyembro ng Maute, patay habang 3 sundalo sugatan nang muling magkasagupa sa Lanao del Sur

Lanao del Sur -Napatay ang isang miyembro ng Maute ISIS terrorist group habang kritikal naman ang isa pa matapos nang muling magkaengkwentro ang tropa mg 103rd infantry brigade at mga natitirang miyembro ng maute at grupo ni Abu dar sa Sultan Dumalondong, Lanao del Sur.

Ayon kay 103rd Infantry Brigade Commander Col Romeo Brawner alas-8:10 ng umaga kanina nang makasagupa ng mga sundalo ang mga Maute.

Nagsagawa aniya ng operasyon sa Sultan Dumalondong lanao de sur ang mga sundalo nang makasagupa ang mga Maute.


Tatlong sundalo naman ang sugatan sa sagupaan na agad na inalis sa encounter site at ngayon ay patuloy na ginagamot.

Panawagan naman ni Col. Brawner sa mga residente ng Lanao del Sur na huwag matakot at huwag lumikas dahil kontrolado nila ang sitwasyon.

Sa ngayon patuloy ang operasyon ng militar sa lugar.

Facebook Comments