Sa Zamboanga, miyembro ng Muloc at Waning Abdusalam Group patay matapos magpaputok ito sa mga otoridad habang sineserve sa kanya ang search warrant sa barangay mampang dito sa lungsod ng Zamboanga kaninang madaling araw sa paglabag nito sa R.A. 9516 .
Kinilala ang suspek bilang si Masdal Jakaria nakatira sa nasabing Barangay .
Ng maramdaman ni Jakaria ang presencia ng otoridad bigla na lamang ito nagpapaputok , kung kayat pinutukan rin ito ng otoridad na natamaan naman a ng victima na kanyang agad na ikinamatay .
Nakuha ng otoridad sa lugar ng insidente ang limang blasting caps , detonating cord , electric wire at isang unit ng caliber 45 pistol at mga basyo ng bala .
Si Jakaria di umano sangkot sa ilang insidente ng kidnapping sa Zamboanga Sibugay at ibang mga lalawigan .
Tinurn over naman ng otoridad ang patay na katawan ni Jakaria kay Ustadz Amri Muksin para sa paglibing nito base sa tradicion ng Islam.