Miyembro ng Philippine Army, nahulihan ng hindi lisensyadong baril sa lungsod ng Makati

Manila, Philippines – Kalaboso ang isang lalaki na nagpapakilalang miyembro ng Philippine Army matapos mahulihan ng hindi lisensyadong baril sa lungsod ng Makati.

Nagpapakilala ang arestado bilang 2nd Lt. Sonny Boy Paran, 38-anyos, VIP security sa Biñan, Laguna.

Ayon sa pulisya, nasita si Paran sa Barangay Southside at dito na nga ito nahulihan ng isang pekeng AFP ID.


Kasama rin sa mga nakuha mula sa pag-iingat ni Paran ang isang kalibre .45 na baril na walang lisensya, labing-dalawang bala, dalawang magasin, isang pellet gun at sari-saring comouflage uniform at combat shoes.

Inihahanda na ang mga kaukulang kasong isasampa laban sa naturang sundalo.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments