URBIZTONDO, PANGASINAN – Inireklamo ang isang lalaking miyembro ng Philippine Coastguard dahil sa walang habas na pagpapaputok o Indiscriminate Firing sa bayan ng Urbiztondo.
Pinatotohanan naman ni PMaj. Napoleon M. Eleccion, Jr., hepe ng Urbiztondo PS ang umanoy tauhan ng Phlippine Coast Guard.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng mga awtoriad, naganap ang insidente sa Bakor St. Brgy. Poblacion nang bumisita ang suspek sa kanyang pinsan at doon ay walang habas na nagpaputok ng kanyang baril.
Naaresto ang suspek at narekober sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang (2) basyo ng bala ng Cal. 45 na baril na siyang ginamit na ebidensiya sa pagsampa ng kasong Alarming Scandal at Illegal Discharge of Firearms sa piskalya.
Dahil sa pangyayaring ito, ipinababatid ni Maj. Eleccion sa alkalde na tututukan at itatrato nila ang Indiscriminate Firing kasabay ng Loose Firearms bilang prayoridad sa kanilang kampanya laban sa kriminalidad.
| via Idol Jhon Caranto