Miyembro ng POSU at Isang Tsuper na Wanted sa Batas, Arestado!

118

*Quezon, Isabela-* Nasa kamay na ng kapulisan ang dalawang indibidwal na Wanted sa batas na kinabibilangan ng isang POSU Member at isang traysikel drayber matapos madakip sa Brgy. Mangga, Quezon, Isabela.

Sa nakuhang kaalaman ng RMN Cauayan, kinilala ang dalawang suspek na sina Dominador Fronda, kwarentay uno anyos, miyembro ng Public Order Safety Unit o POSU at si Gigeon Dacusin, kwarentay sais anyos, may-asawa, isang tsuper at pawang mga residente ng Brgy. Mangga, Quezon, Isabela.


Sila ay inaresto ng kapulisan sa bisa ng Warrant of Arrest na ipinalabas ni hukom Bernabe Mendoza ng RTC Branch 23 noong ika-labinglima ng Pebrero taong 2010 dahil sa kaso nitong Less Serious Physical Injury.

Nakapiit na sina Fronda at Dacusin sa PNP Quirino at pansamantalang makakalaya kung makakpaglagak ng piyansang tig-apat na libong piso.

Facebook Comments