Kusinero sa Echague, Isabela, Kalaboso sa Droga!

*Echague, Isabela-* Bagsak kulungan ang isang lalaki matapos maaktuhang nagbebenta ng iligal na droga sa ikinasang Drug Buy Bust Operation ng PNP Echague sa Brgy. Castillo, Echague, Isabela.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Pablito Alvaro, trentay singko anyos, may-asawa, isang kusinero at residente ng Brgy. Ipil, Echague, Isabela.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Inspector Edgar Pagulayan, ang Deputy Chief ng PNP Echague, dinakip ng kapulisan si Alvaro matapos bentahan ng isang sachet ng shabu ang isang police poseur buyer sa halagang isang libong piso (1,000).


Nakumpiska rin mula sa pag-iingat ng suspek ang apat na aluminum foil at ang isang libong buy bust money.

Nasa kustodiya na ng PNP Echague ang suspek at nakatakdang isailalim sa Inquest proceedings.

Facebook Comments