
Patay ang isang miyembro ng Daulah Islamiyah – Maute Group matapos maka-engkwentro ang tropa ng pamahalaan sa Brgy. Kalangan, Piagapo sa Lanao del Sur.
Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (AFP – WESMINCOM), unang naka-engkwentro ng mga terorista ang tropa ng 8th Scout Ranger nitong Sabado na tumagal ng 15 minuto at nasundan ito nang makasagupa nila ang tropa ng 44th Infantry battalion.
Nakuha mula sa napatay na miyembro ng teroristang grupo ang matataas na kalibre ng armas gaya ng M16 rifle, M14 rifle, mga bala ng 5.56mm carbine, mga granada, IED circuit indicator, at iba pa.
Kasunod nito, nangako ang WESMINCOM na hindi sila titigil hangga’t hindi nauubos ang mga terorista sa rehiyon.
Facebook Comments