Kinilala ang sumuko na si alyas ‘Harry’, 53 taong gulang, binata, construction worker, at residente ng Sirit, Abulug, Cagayan.
Kasabay ng kanyang pagsuko ay sinurender din kanyang cal. 38 na baril na may dalawang bala.
Si alyas ‘Harry’ ay kabilang sa grupo ng mga Communist NPA Terrorist (CNT) na itinalaga bilang Yunit Guerilla (YG) kung saan ang lugar ng operasyon ng kanyang iskwad ay sumasakop sa boundary ng lalawigan ng Cagayan at Apayao.
Naatasan din siya bilang tagapaghatid ng suplay ng pagkain sa kanyang mga kasamagan gamit ang sariling alagang kalabaw.
Ayon sa nakuhang impormasyon mula sa Cagayan Police Provincial Office, inamin no alyas Harry na siya ay hinikayat na sumampa sa makakaliwang grupo ng isang Ka Ador sa bukid ng kanyang kapatid sa bayan ng Pamplona, Cagayan noong taong 1987 at di kalaunan ay binigyan ng armas.
Sa kanya pang ibinahaging impormasyon sa mga awtoridad, siya ay sumailalim sa mahigpit na pagsasanay at lecture kasama ang iba pang miyembro ng kabataan sa bulubunduking bahagi ng Marag Valley, Luna, Apayao.
Boluntaryong sumuko si alyas Harry sa pinagsanib na pwersa ng PNP Alcala sa pangunguna ni Regional Group on Special Concern PRO2; 3rd Maneuver Force Platoon, 1st Provincial Mobile Force Company; Regional Mobile Force Battalion 2; Regional Intelligence Unit 2, RMFB2, RIU2; at Provincial Intelligence Team.