
Pormal nang nagsampa ng reklamo sa National Bureau of Investigation (NBI) si Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila De Lima matapos idawit ng umano’y 18 “ex-marines” kaugnay ito ng alegasyong tumanggap umano si De Lima ng cash kickbacks mula sa mga flood control projects.
Sinampahan din ni de Lima at 2025 Ramon Magsaysay Award awardee Fr. Flavie Villanueva ng cyberlibel si Atty. Levi Baligod.
Binigyang-diin ni De Lima na wala itong natanggap na anumang cash mula sa mga nagpakilalang dating miyembro ng marines.
Aniya, ang hakbang na ginagawa ng kanya ay para sirain ang kaniyang pangalan at reputasyon.
Pero hindi raw niya papayagan na sirain na naman ang kaniyang pagkatao kaya’t kailangan nila itong pagbayaran.
Facebook Comments










