MMA Champ Eduard Folayang, todo ang pasasalamat sa suporta ng mga fans makaraang manalo kontra malaysian challenger

Manila, Philippines – Lubos pa rin ang pasasalamat ni Filipino Mixed Martial Arts Champion, Eduard Folayang sa kaniyang mga fans at mga supporters matapos na muling manalo sa One Championship na ginanap sa bansa kagabi.

Napanatili niya ang kaniyang lightweight belt matapos ang Unanimous Decision na panalo kontra kay Ev Ting ng Malaysia.

Bukod sa mga fans ay labis ang kasiyahan ni Folayang dahil sa personal na panonood din ni PNP Chief Director – General Ronald Dela Rosa na unang beses lamang silang nagkita.


Lumakas pa ang loob nito ng dumating sa kaniyang laban si Filipino Boxing Champion at Senator Manny Pacquiao.

Matapos ang laban ay binati ni Pacman ang 32-anyos na Wushu Master at pambato ng Team Lakay mula sa Baguio City.

Facebook Comments