Kinakailangan munang gumawa ng guidelines ang Metro Manila Council bago tuluyang payagang magbukas muli ang mga sinehan.
Ayon kay Metro Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos, magpupulong sila mamayang gabi ng mga alkalde ng Metro Manila para pag-usapan ang bubuuing mga panuntunan.
Iginiit din ni Abalos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng guidelines at dapat umanong irespeto ang magiging desisyon kung payag man o hindi ang mga alkalde.
Nilinaw rin ng MMDA Chairman na dapat maging balanse ang kaligtasan ng publiko at pagbubukas ng ekonomiya lalo na’t nasa gitna pa rin tayo ng pandemya.
Kaugnay nito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na magbibigay ng karagdagang guidelines ang Department of Labor and Employment para sa mga dapat gawin ng publiko sakaling magtungo sa mga naturang establisyimento.