MMC, ipapaubaya sa IATF ang rekomendasyon kaugnay sa quarantine status ng Metro Manila

Inihayag ng Metro Manila Council (MMC) na ipapaubaya na lang nila sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang rekomendasyon ukol sa quarantine status ng Metro Manila.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager at MMC Spokesperson Jojo Garcia, susunod na lang ang mga mayor ng Metro Manila kung anong level ng quarantine ang aaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Malaki aniya ang tiwala ng MMC sa kakayahan ng IATF-EID dahil binubuo ito ng mga eksperto tulad sa kalusugan, ekonomiya at enforcement.


Dagdag pa niya, ang mga desisyon naman ng IAFT-EID ay nakabase sa datos kaugnay sa mga kaso ng COVID-19 sa isang lugar na isasailalim sa ibang level ng quarantine.

Wala aniya itong problema kahit manatili pa sa General Community Quarantine (GCQ) o kahit anong quarantine status pa ang ipatupad sa buong sa Metro Manila dahil nakahanda naman ang lahat ng mga mayor at may kapangyarihan ang mga ito na magdeklara ng localized lockdown.

Ngayong araw, nakatakdang magdesisyon si Pangulong Duterte kung magpapatuloy ba ang Metro Manila sa GCQ o ibababa ito sa Modified GCQ (MGCQ).

Facebook Comments