MMC, magpupulong para bumuo ng rekomendasyon hinggil sa estado ng community quarantine sa Metro Manila

Inanunsyo ni Metro Manila Council (MMC) Chairman at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez na magpupulong sila sa susunod na araw para pag-usapan ang rekomendasyon kung papalawigin ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) o ibababa na sa General Community Quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR).

Nabatid kasi na hanggang sa ngayon ay hati pa rin ang 17 alkalde sa isyu ng ekonomiya at kalusugan base na rin sa huli nilang pagpupulong bago pa ibaba sa MECQ ang Metro Manila.

Ayon kay Olivarez, pabor siya na isailalim sa GCQ ang NCR sa darating na June 1, 2020 dahil masyado nang naaapektuhan ang ekonomiya sa bawat lungsod.


Sinabi pa ng alkalde na sakaling isailalim na sa GCQ, ang mga mall at shopping center ay maaari nang magbukas pero ang leisure establishments ay mananatiling sarado.

Aniya, isang miyembro lang ng pamilya ang papapasukin sa mall pero kinakailangan na magpakita ng quarantine pass at ID at dapat na nakasuot ng face mask.

Ipapanukala rin ni Olivarez na ang mga salon, barber shop at iba pang personal care services na nasa Category III industries ay payagan nang magbukas habang nasa ilalim ng GCQ.

Agad namang ipi-presinta ng MMC sa Inter-Agency Task Force (IATF) ang magiging rekomendasyon nito.

Facebook Comments