Bukas ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at mga alkalde sa Metro Manila sakaling palawigin pa ang Alert Level 4 with granular lockdown na nakatakdang matapos bukas, September 30.
Pero ayon sa mga ito, dapat naging maayos na ang ibibigay sa datos sa pagpapalawig.
Ito kasi ang pagbabatayan para irekomenda kung magbababa na ng alert level sa National Capital Region (NCR).
Ilan sa mga lungsod sa Metro Manila na nakikitaan ng pagbaba ang kaso ay ang San Juan at Muntinlupa.
Sa ngayon, para kay MMDA General Manager Jojo Garcia ay maituturing na hindi ganoon kabilis na mapagdesisyunan ang pagbaba at pagpapanatili ng alert level 4 sa NCR.
Facebook Comments