MMDA, balak palakasin ang number coding scheme

Manila, Philippines – Plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkaroon ng dalawang araw na number coding scheme.

Ayon kay MMDA General Manager Danilo Lim – layon nito na bawasan ang dami ng mga sasakyan na dumaraan sa mga lansangan sa Metro Manila.

Sa datos ng MMDA, nasa 2.6 million na sasakyan ang rehistrado sa Metro Manila.


Posible ring ibalik ang odd-even scheme kung saan tatlong araw kada linggo na hindi makakabyahe ang isang sasakyan.

Nabatid na 30-porsiyento ng lahat ng sasakyan sa bansa ay nasa Metro Manila.

Facebook Comments