Patuloy na tumataas ang bilang ng mga gumagamit o sumasakay sa Pasig River Ferry Service.
Ito ang inihayag ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) acting Chairman Atty. Don Artes sa ginawang Pasig River Ferry Tour kasunod ng pag-inspeksyon sa Ilog Pasig kasama si Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos.
Ayon kay Artes, umabot na kasi sa 254,000 ang kabuuang ridership ng Pasig River Ferry Service noong nakaraang taon na mas mataas kumpara sa naitalang 170,000 na kabuuang ridership noong 2022 at 58,000 noong 2021.
Aniya, natapos na kasi ang pandemya, walang traffic at mas maayos na ngayon ang sistema kasunod sa waiting time na hanggang 30 minutes para sa mga pasahero nito.
Samantala, nagsisimula ang operasyon ng Ferry Service at maaaring sumakay ng libre simula Lunes hanggang Sabado ng alas-6:00 ng umaga hanggang alas-6:00 ng gabi sa 13 istasyon nito sa Metro Manila.