MMDA Chairman Benjur Abalos, handang makipag-dayalogo sa mga street vendors sa Baclaran

Handa si Metro Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na makipag dayalogo sa mga street vendors partikular na sa Baclaran na nasasakupan ng lungsod ng Pasay at Paranaque.

Ito ang naging tugon ni Abalos sa biglang pagdami ng bilang ng mga illegal vendors sa Baclaran matapos ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat muli ng kinatatakutang sakit na COVID-19.

Naunawan naman aniya nito ang kalagayan ng mga vendors na matagal na nawalan ng kita dahil sa dalawang taon na pandemya.


Subalit hinihiling naman ng opisyal sa mga street vendors na kung maari ay huwag naman sakupin ang kalsada na para sa mga motorista at pedestrian.

Inatasan din ni Abalos ang kanyang mga tauhan na ipatupad ang pagbabantay sa mga illegal vendors sa Baclaran subalit iniutos din ng opisyal na huwag kukunin ang mga paninda ng mga street vendors for humanitarian reason dahil narin sa alam ng MMDA Chairman na apektado rin sila sa krisis dulot ng pandemya.

Giit pa ni Abalos dahil sa nalalapit na ang Pasko naunawaan niya ang kalagayan ng mga Street vendors na kailangan kumita subalit dapat may disiplina sa lansangan upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19 upang maging maayos at masaya ang lahat sa araw ng Pasko.

Facebook Comments