MMDA Chairman Danny Lim, may mensahe sa publiko kaugnay ng pambu-bully at militarisasyon ng China

Caloocan City – “Hindi dapat pinababayaan ng sinumang Pilipino na niyuyurakan ang soberenya ng bansa.”

Ito ang ipinahayag ni MMDA Chairman Danny Lim matapos tanungin ng media sa pambu-bully ng Chinese Coast Guard sa mga Pilipinong mangingisda at sa isyu ng pagpapalakas ng imprastrakturang militar ng China sa West Philippine Sea.

Si Lim ay isang retired brigadier general na nakulong ng apat na taon dahil sa bigong mutiny sa panahon ng rehimeng Arroyo.


Sa kasalukuyan ay Chairman siya ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Gayunman, ipinapaubaya na ni Danny Lim sa Defense Department at sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghawak sa pambu-bully at militarisasyon ng China.

Pinangunahan kanina ni Lim ang aktibidad sa monumento ni Andres Bonifacio sa Caloocan kaugnay ng 120th Independence Day celebration.

Facebook Comments