MMDA General Manager Jojo Garcia, tuloy ang trabaho kahit nakikipaglaban sa sakit na COVID-19

113

Hindi papatinag sa nakamamatay na virus at tuloy pa rin sa trabaho si MMDA General Manager Jojo Garcia.

Kanina lamang inanunsyo ni GM Garcia na positibo sya sa COVID-19, ito ay para makapag ingat at makagawa ng karampatang aksyon ang mga nakasalamuha.


Habang naka-home quarantine, ipagpapatuloy ng opisyal ang trabaho lalo pa’t kasabay ng Enhanced Community Quarantine, nagsisilbing frontliner ang mga MMDA.

Ayon sa opisyal, sa ngayon tanging pamamalat ang nararamdaman at umaasa na hindi na  lumala pa ang kondisyon.

March 17 umano posibleng nakuha ang virus matapos ang sunod-sunod na meeting na dinaluhan ni GM Garcia buong araw.

Facebook Comments