MMDA Headquarters, isasara ng dalawang araw dahil sa gagawing disinfection matapos magpositibo na apat na manggagawa

Suspendido ng dalawang araw ang trabaho sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Headquarters dahil sa gagawing sanitation at disinfection sa lahat ng opisina at mga karatig na gusali nito.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, isasara muna ang buong gusali ng MMDA Headquarters simula bukas, July 9 hanggang July 10, 2020.

Pero aniya ang mga manggagawa na papasok ngayong araw ay pwede nang umuwi ng alas-2:00 ng hapon.


Wala rin aniyang papayagan makapasok na mga empleyado ng MMDA sa gusali habang isinagawa ng disinfection.

Ito ang rekomendasyon ng MMDA COVID-19 Committee, matapos magpositibo sa nasabing virus ang apat na empleyado nito.

Naka-isolate na ang apat sa sariling quarantine facility na nasa parking area ng MMDA.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa mga tao na nakahalubilo ng naturang apat na empleyado ng MMDA na infected ng virus.

Facebook Comments