Manila, Philippines – Aalamin ng Kamara kung handa ang Metro Manila Development Authority o MMDA sa posibilidad ng pagyanig ng”The Big One”.
Sa Mayo 8 ay nakatakdang magsagawa ng pagdinig ang House Committee on Metro Manila Development na pinamumunuan ni Quezon City Rep.Winston Castelo.
Nais malaman ng komite kung may contingency plans ang MMDA kapag nagkaroon ng ‘Big One’ o isang malakas na lindol.
Inaasahan ng na makadadalo ang MMDA sa pagdinig at may maiiprisinta ang mga ito sa Kamara.
Una nang tumama ang 7.2 magnitude quake sa Davao Occidental at iba pang bahagi ng bansa nitong nakalipas na ilang araw naikinasira ng ilang buildings at pagkasugat ng ilan matapos magpanic.
Sinabi ng mambabatas na ang ganitong kalakas na paglindol ay may ibang impact sa Metro Manila kung saan mas marami ang maaapektuhan at mas malaki ang pinsalang maiiwan.
MMDA, hinihingan ng contingency plan para sa lindol
Facebook Comments