MMDA, hinikayat ang mga mall owners na makiisa sa kampanya kontra colorum na sasakyan

Manila, Philippines – Ngayong papalapit na ng papalapit ang panahon ng kapaskuhan, muling umapela ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga mall owners na makiisa sa gagawin nilang kampanya kontra colorum.

Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos pinagppresenta nila ng mga mall owners ng terminal plans sa Department of Transportation gayundin sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board para maiwasang makapasok ang mga colorum na sasakyan sa kanilang mall premises.

Sinabi ni Orbos na hindi magiging matagumpay ang ikakasa nilang traffic reduction measures kung hindi makikiisa ang mga mall owners.


Paliwanag nito, hindi papayag ang gobyerno na maging kasangkapan ang mga mall para mamayagpag ang mga ilegal at colorum na sasakyan.

Isa ang paglaganap ng mga colorum na sasakyan sa nakikitang dahilan ng MMDA kung bakit lalong bumibigat ang daloy ng trapiko.

Facebook Comments