MMDA, huhulihin ang mga driver ng Angkas, MoveIt at JoyRide na wala sa Master List ng DOTr

Nagababla si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na simula ngayong araw na sila manghuhuli ng mga driver ng Angkas, MoveIt at JoyRide na wala sa listahan ng Department of Transportation (DOTr) bilang kasama sa gagawing pagaaral ng Technical Working Group (TWG).

Ayon kay Garcia ang bawat driver ng tatlong major motorcycle taxi na lalabag sa kanilang mga panuntunan at mahuhuli ay kanilang i-che-check sa kanilang data base kung andoon ang kanilang mga pangalan.

Aniya kung wala, iipoung nila ang motor at kokompiskahin ang driver’s license nito.


Sinabi pa nito na bahagi ng kanilang rekomendasyon o report sa gagawing pagaaral ay ang mga nalabag na batas trapiko at sa mga panuntunan nilang ibinigay sa mga kompanayan ng motorcyle taxis nakasali sa pagaaral.

Nais naman ni Garcia na ipagbawal ang mga motorcyle taxis sa EDSA kung sakaling magkaroon ng batas para rito.

Iginiit din nito na ang gagawing nilang paghuli sa mga driver’s ng motorcycle taxi ay hindi lamang doon sa kasali sa pagaaral, kung di kasma na rin dito ang iba pang habal-habal na ilegal na nag ooperate.

Ang gagawing pag aaral ng TWG ng DOTR ay para masuri ang pangangailangan ng motocycle sa taxi bilang isang alternatibong public transportation sa bansa at para magkaroon ng batas para maregulate ang mga ito.

Tatagal ang nsabing pagaaral hanggang Marso 23 ngayong taon.

Facebook Comments