MMDA, ibinida na walang mga malalaking pagbaha sa Metro Manila ng manalasa ang Bagyong Rolly

Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na malaking tulong ang flood control measure ng ahensiya kaya’t walang naiulat na mga pagbaha sa mga lansangan sa Metro Manila kasunod ng pananalasa ng Bagyong Rolly.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, lahat ng mga pumping stations ay gumagana na nagresulta ng walang naireport na mga malalaking pagbaha sa kalakhang Maynila.

Paliwanag ng kalihim, tinitiyak nilang lahat ng mga pumping station ay gumagana ng maayos kaya’t mabilis agad na humupa ang tubig baha kung saan ilan sa mga ito na kanilang ininspeksyon ay ang Hagonoy, Taguig, Labasan, at Napindan Station.


Giit ni Lim, isa sa pangunahing malaking hamon ng pag-ooperate ng mga pumping station ay ang sangkaterbang basura at water lily sa mga daanan ng tubig na bumabara sa kanilang mga pasilidad.

Nakakolekta ang mga tauhan ng flood control ng mga sofa, flat tires, mga sirang appliances at iba pang mga klase ng basura na bumabara sa kanilang makina na naging dahilan kung bakit hindi gumagana ang pumping stations.

Facebook Comments