MMDA, ipinapanukala ang panibagong number coding scheme

Ipinapanukala ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpatupad ng bagong number coding scheme na layong mabawasan ang bilang ng mga sasakyang dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Kamaynilaan.

Ayon kay MMDA Chairman Romando Artes, sa ilalim ng bagong coding system ay bawal dumaan sa major roads ang mga pribadong sasakyan mula alas 5 ng hapon hanggang alas 7 ng gabi sa loob ng dalawang araw sa isang linggo.

Tatamaan ng coding ang mga sasakyang may plate number na nagtatapos sa:


1 and 2 tuwing Lunes at Miyerkules;
3 and 4 tuwing Lunes at Huwebes;
5 and 6 tuwing Martes at Huwebes;
7 and 8 tuwing Martes at Biyernes;
at 9 and 0 tuwing Miyerkules at Biyernes.

Sa ngayon, naisumite na ng MMDA ang panukala sa Metro Manila Council at hinihintay na lamang ang approval bago posibleng maipatupad sa unang araw ng Mayo.

 

Facebook Comments