MMDA, magdadagdag ng mga tauhan sa yellow lane sa EDSA para sa SEA Games

Magdadagdag na ang MMDA ng kanilang mga tauhan sa mga yellow lane sa EDSA para sa inaasahang convoy ng mga delegado ng SEA Games  na dadaan dito patungong Philippine Arena bukas para sa opening ng 30th SEA Games.

 

Ayon kay MMDA EDSA Traffic Czar Bong Nebrija, Bukod sa 325 traffic enforcers nila na regular na nakadeploy sa EDSA, karagdagang 95 trafficer personnel ang ipupwesto sa EDSA na tututok lamang sa yellow lane.

 

Sisimulan anya ang deployment ng mga ito alas-onse pa lamang ng umaga bukas.


 

Makikita na anya sa EDSA ang kanilang mga tauhan na may mga dala pang placards para i-guide ang mga motorista at para bigyang prayoridad ang convoy ng lahat ng delegado sa SEA Games.

 

 

Muli ring nakiusap ang MMDA sa mga motorista na maging mas responsable sa paggamit ng kalsada at hanggat maari, huwag nang ugaliing bumuntot sa mga convoy ng mga delegado dahil lalong magkakaroon ng abala kapag sinita sila ng mga police escorts ng delegado.

Facebook Comments