MMDA, magsasagawa ng inspeksyon sa ilang mga establisyemento sa Makati City

Inihayag ngayon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos na magsasagawa slla ng pag-iinspeksyon sa ilang mga gusali sa Makati City upang masuri kung tumatalima ang mga ito sa ipinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) guidelines na ipinatutupad sa ilalim ng Alert Level 4.

Ayon kay Chairman Abalos mamayang ala 1:30 ng hapon kasama si Department of Trade and Industry o DTI Sec. Ramon Lopez at Makati City Mayor Abby Binay ay magsasagawa sila ng on the spot na pag-i-inspeksyon para matiyak ang kaligtasan ng mamamayang Pilipino.

Matatandaan na unang ininspeksyon ng MMDA ang mga lungsod ng San Juan at Mandaluyong kung saan binigyan nila ng 100 percent na compliance ng IATF dahil sa pagtalima na ipinatutupad ng pamahalaan.


Pinaalalahanan ng MMDA ang publiko na palagiang mag-obserba ng minimum health rrotocols habang isinagawa ang pag-iinspeksyon.

Facebook Comments