Kasabay ng pagsisimula ng campaign period para sa mga national candidates ngayong araw.
Magsisimula na rin ang mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magbaklas ng campaign materials na wala sa common poster areas.
Ang “Oplan Baklas” ay pinagsanib na pwersa ng MMDA, Comelec, PNP at Local Government Units (LGUs) na siyang mahigpit na magpapatupad ng mga panuntunan pagdating sa campaign propaganda.
Sa ilalim ng Fair Elections Act, pinapayagan lamang ang mga kumakandidatong magpaskil ng kanilang campaign materials sa mga pampublikong lugar tulad ng plaza, market, barangay centers habang bawal naman magkabit sa foot bridge, sidewalks, kawad ng kuryente at mga puno.
Nanawagan naman ang MMDA sa publiko na i-report sa Comelec maging sa kanila ang mga illegally posted campaign materials para kanila itong mabaklas.