MMDA, makikipagpulong sa funeral at crematory services para sa proper disposal ng mga labi ng COVID-19 patients

Inaasahang makapaglalabas na ng guidelines sa Biyernes ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) hinggil sa proper disposal ng mga labi ng COVID-19 patients.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MMDA Asec. at Spokesperson Celine Pialago na sa Huwebes kasi ay magkakaroon sila ng pulong kasama ang mga Local Government Units (LGUs), Department of the Interior and Local Government (DILG) at mga kinatawan mula sa funeral at crematory services.

Ilalatag sa pulong kung paano ang proper handling sa mga labi ng COVID-19 positive patients.


Problema kasi ngayon ang delay na paglalabas ng death certificates at hindi agad na-c-claim na mga labi mula sa mga ospital kung saan nasawi ang isang pasyente kaya nagreresulta sa pagka-ipon ng mga bangkay sa morgue tulad ng nangyari umano sa East Avenue Medical Center.

Kasunod nito muling iginiit ni Pialago na hindi responsibilidad ng MMDA ang pagkuha, pag-transport at paglilibing o pag-c-cremate sa mga nasawing pasyente na mayroong COVID-19 pero sila, aniya, ang magiging tulay ng mga ospital at lgus sa mga funeral at crematory services.

Facebook Comments