Umapela ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa mga sasali sa traslacion 2020 na maging responsable sa kanilang mga basura.
Nabatid kasi na halos umabot sa 50 truck ng basura ang nahakot noong traslacion 2019 na may katumbas ng 160 tonelada.
Ilan din sa nahakot ng MMDA noong nakaraang taon sa dinaanan ng traslacion ay pawang mga plastic na isang uri ng non-biodegradable material.
Umaasa ang mmda na ipapakita ng mga deboto ang kanilang pagiging disiplina sa araw ng traslacion o sa darating na January 9, 2020.
Matatandaan na una nang inamin ng mmda na kapos sila sa mga tauhan para matutukan ang pagkakalat ng mga basura maging ang pagpapatupad ng batas hinggil dito.
Samantala, ilang enviromentalist groups din ang nanawagan sa mga deboto maging sa manonood sa traslacion na huwag magkalat ng basura bilang isa sa pagpapakita ng kanilang debosyon sa itim na Nazareno.