MMDA, muling nagpaalala sa mga motorista sa gagawing convoy dry run sa October 15 para sa ASEAN Summit

Manila, Philippines – Muling nagpaalala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at iba pang ahensya ng pamahalaan sa matinding trapikong maaaring idulot ng isasagawang convoy dry run sa Linggo, October 15.

Bahagi pa rin ito ng mga paghahanda para sa 31st ASEAN summit sa Nobyembre.

Kabilang sa mga maaapektuhang ruta ang:
-Southbound Lane Ng Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX)
-North Luzon Expressway (NLEX)
-South Luzon Expressway (SLEX) Skyway
-EDSA
-Buendia Extension
-J.W. Diokno Boulevard
-Roxas Boulevard


Apektado rin ang ilang kalsada sa Makati, Taguig, Pasay at Maynila.

Ngayon pa lang, humihingi na ng paumanhin at pasensya ang MMDA dahil sa perwisyong maaaring idulot ng pagsasara ng ilang kalsada.

Facebook Comments