Tindahan ng mga pekeng gadget sa Binondo, Maynila – sinalakay ng BOC

21

Binondo, Maynila – Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs ang ilang tindahan sa Binondo, Maynila, alas dos kaninang hapon.

Ang operasyon ay bunsod na rin ng reklamo ng ilang kumpanya na nalulugi na raw sila dahil sa mga pekeng gadget na mas murang mabibili sa Binondo.

Kabilang sa mga nakumpiska ang mga pekeng cellphone na may tatak na samsung at apple, mga charger at camera.

Nadiskubre din sa lugar ang isang warehouse ng mga electronic gadgets.

Ayon kay BOC chief Isidro Lapeña, kasong paglabag sa intellectual property code ang kakaharapin ng mga may-ari ng sinalakay nilang tindahan.


Facebook Comments