Manila, Philippines – Binalikan ng MMDA ang paligid ng Baclaran Church sa Parañaque City kaninang umaga at muling nagkasa ng clearing operations.
Ayon kay MMDA Traffic Supervising Officer for Operations Edison Nebrija, hindi sila mapapagod sa pagsasagawa ng clearing operations lalo na’t papalapit na ang holiday season.
Ilang beses na aniya nilang itinaboy ang mga vendors na nakaharang sa daraanan ng mga tao sa bahagi ng service road ng Roxas Blvd pero tila sinusubukan ng mga ito ang kanilang pasensya.
Kabilang sa mga nasita ng MMDA ay ang mga naglalakihang payong ng mga vendors na lagpas na sa daanan ng mga pedestrian.
Kinumpiska din ng mga tauhan ng mmda ang ilang mga lamesa at gamit na nakita nilang nakaharang at nakakaistorbo.
Kasunod nito magtutuloy tuloy ang kanilang operasyon kasabay ng panawagan sa mga local govt. na papanatilihin ang kaayusan sa kanilang mga nasasakupan.