Manila, Philippines – Isasalang bukas sa pulong ng Metro Manila Mayors Council ang mungkahing ipatupad ang two-day number-coding scheme.
Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, kumpara sa existing one-day coding system mas makakatulong upang lumuwag ang masikip na daloy ng trapiko kapag ipinatupad na ang two-day number-coding scheme sa Metro Manila.
Sinabi pa ni Lim na maging ang mga mambabatas ay pabor sa expanded number-coding scheme, pero matatandaang inulan ito ng batikos ng mga motorista at ng ibat ibang transport groups.
Dahil ditto, isa ito sa mga agenda na nakalatag sa pulong bukas kasama ang Metro Manila mayors.
Paliwanag ni Lim ang MMC kasi ang policy-making body ng MMDA.
Sa datos ng LTO, mayroong 2.6 million registered vehicles sa buong Metro Manila kung saan 30% ng mga sasakyang ito ay gumagamit ng 5 porsyento ng national road.