Dr. Russel Salic, malawak ang koneksyon sa international terrorist – Pamahalaan

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Major General Restituto Padilla na malawak ang koneksyon ni Dr. Russel Salic sa mga terror group sa ibat-ibang bahagi ng Mundo.

Sa mindanao Hour sa MalacaƱang ay sinabi ni Padilla na base sa natanggap nilang impormasyon ay mayroong koneksyon si Salic sa Middle East counties at sa Estados Unidos ng America.

Ang mga hawak aniya nilang impormasyon ay mula sa International Police o INTERPOL at sa iba pang kakamping intelligence agencies.


At base aniya sa impormasyong nakuha ng US sa Daesh Doc, nakakuha din ito ng pondo para sa tatlong indibidwal na magsagawa ng terror plot sa New York.

Si Salik ay subject ngayon ng extradition proceedings base na rin sa hiling ng pamahalaan ng US.

Facebook Comments