Naaalarma na ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA sa biglang pagdami ng bilang ng mga illegal vendors sa Baclaran matapos ang pagbaba sa Alert Level 3 sa Metro Manila na posibleng maging sanhi ng pagkalat muli ng kinatatakutang sakit na COVID-19.
Ayon kay MMDA Chairman Benhur Abalos, batid niya ang kalagayan ng mga street vendors na matagal nawalan ng kita dahil sa dalawang taon na pandemya.
Pakiusap ni Abalos sa mga vendors, huwag naman sakupin ang kalsada na para sa mga dumadaan na motorista at pedestrian.
Nagtalaga na rin si Abalos ng kanyang mga tauhan na magbabantay sa mga illegal vendors sa Baclaran, kasabay ng pakiusap na huwag kukunin ang mga paninda ng mga vendors ” for humanitarian reason.”
Facebook Comments