MMDA, nag-abiso na ng road reblocking sa isang bahagi ng Quezon City ngayong weekend

23

Maagang nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa gagawing road reblocking ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bahagi ng EDSA sa Quezon City.

Sa abiso ng MMDA, simula bukas ng alas-11:00 ng gabi, araw ng Biyernes, April 9, pansamantalang isasara sa mga motorista ang bahagi ng northbound lane partikular na ang EDSA Muñoz (harapan ng East West Bank at Floor Center; Shell, Goodyear, Shell Select at SkyMart).


Lahat naman ng mga apektadong kalsada ay muli namang bubuksan sa mga motorista simula alas-5:00 ng umaga sa Lunes, April 12.

Inabisuhan na rin ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta upang maiwasan ang aberya sa kanilang biyahe.

Facebook Comments