๐—ฃ๐—”๐—š๐—Ÿ๐—œ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—œ๐—ฆ ๐—ฆ๐—” ๐—•๐—”๐—›๐—”๐—š๐—œ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—œ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—˜๐—ก ๐—•๐—˜๐—”๐—–๐—›๐—™๐—ฅ๐—ข๐—ก๐—ง, ๐—œ๐—ฆ๐—œ๐—ก๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐— ๐—”๐—ง๐—”๐—ฃ๐—ข๐—ฆ ๐—”๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—”๐—š๐——๐—œ๐—ฅ๐—œ๐—ช๐—”๐—ก๐—š ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ฆ๐—ง๐—”’๐—ฌ ๐——๐—”๐—ฌ๐—”๐—ง ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Nilinisan ng mga opisyal at ibang volunteers ang bahagi ng Lingayen Beachfront sa isinagawang Lingayen Gulf Coastal Clean Up matapos ang pagdiriwang sa Pistaโ€™y Dayat 2024.

Isa-isang pinulot at inipon ang mga nagkalat na basurang iniwan ng mga manunuod na dumalo sa mga performances na ginanap sa Lingayen beach pati na rin ang mga iniwang kalat ng mga bumisita sa mismong beach para maligo.

Pakiusap ng Pangasinan PDRRMO sa publiko na kung maaari ay makibahagi sa paglilinis ng kapaligiran at panatilihin sana ang kalinisan at ganda ng yamang tubig sa ating probinsya para matulungan rin ang kalikasan mula sa problema sa basura.

Samantala, nakibahagi sa naturang paglilinis ng beach ang tanggapan mula sa Pangasinan PDRRMO at iba pa empleyado ng Provincial government ng Pangasinan at ilan pang nagbigay ng oras para makibahagi sa paglilinis at pangangalaga sa kapaligiran. |๐™ž๐™›๐™ข๐™ฃ๐™š๐™ฌ๐™จ

Facebook Comments