Tax expert na tumutulong sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee, binantaang irereklamo sa PRC

Nakakaranas na umano ng pang-ha-harass si Asian Consulting Group (ACG) President, CEO at tax expert Raymond Abrea.

Si Abrea ay resource person sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee na tumutulong na maintindihan ang mga financial records ng Pharmally Pharmaceutical Corporations.

Sa ika-14 na pagdinig ng komite ay sinabi ni Abrea na may banta na ireklamo siya sa Professional Regulatory Commission o PRC.


Ayon kay Senator Kiko Pangilinan, isang kahangalan ang nabanggit na pagbabanta kay Abrea.

Sa tingin ni Pangilinan, bahagi ito ng layunin na manakot at pigilan ang Senado na alamin ang buong katotohanan sa kwestyunableng transaksyon ng gobyerno sa Pharmally.

Iminungkahi ni Pangilinan na magpasa ang Senado ng resolusyon na naghahayag ng pagbatikos sa pang-ha-harass kay Abrea.

Diin ni Pangilinan, kailangan nilang manindigan para sa mga katulad ni Abrea na isang civic minded citizen na tumutulong sa paghahanap ng katotohanan.

Facebook Comments