Manila, Philippines – Nagbabala ang Metro Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa lahat ng illegal vendors na susunugin nila ang mga stall upang hindi na makapagtinda pa ang mga ito sa mga pangunahing lansangan sa Maynila.
Ito ang ibinigay na ultimatum ni MMDA Chairman Danilo Lim sa lahat ng mga iligal na nagtitinda sa kanyang pangunguna sa clearing operation sa balintawak market kontra sa mga traffic obstruction.
Ayon kay Lim, nagiging dahilan kasi ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa kahabaan ng Edsa ang mga nakaharang na paninda ng mga illegal vendors kung kaya’t inatasan na nito ang ilang opisyal ng mga barangay na manguna sa operasyon.
Dagadag pa ni Lim, sa huli na nila isasagawa ang clearing operation sa lugar dahil kapag muling naulit ang paglabag ay kakastiguhin na nila ang mga opisyal ng barangay.