Shoplifter, huli sa isang supermarket

120

Manila, Philippines – Hindi umubra ang diskarte ng isang shoplifter sa matinik na guwaridya ng isang supermarket Sa Brgy. Pio Del Pilar, Makati City.
Sa ulat, sinundan ng guwardiya ng supermarket na si Jayson Madrinian ang suspek na si Carlos Calilo, 33-anyos dahil sa kahina-hinala nitong kilos.
Nang makalabas ng supermarket ang suspek ay hinarang ito ng guwardiya sa ground floor kung saan nabawi sa kaniya ang dalawang delata ng imported na meatloaf na inilagay sa loob ng paper bag.
Umaabot naman sa P254.00 ang halaga ng ninakaw na delata ng suspek kung kaya’t agad itong itinurn-over sa himpilan ng pulis at nahaharap sa kasong pagnanakaw.

Facebook Comments