MMDA, nagbabala sa mas mabigat na daloy ng trapiko sa EDSA pagpasok ng Disyembre

Nagbabala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mas bibigat ang daloy ng mga sasakyan kapag pumasok na Disyembre.

Ayon kay MMDA Director Noemie Recio, sa ngayon nananatiling mabilis ang daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA kung ikukumpara bago magka-pandemya.

Aniya, batay sa kanilang pinakahuling monitoring, 24.66 kph ang average na tinatakbo ng mga motorista ngayon sa EDSA Northbound, habang 20.39 kph naman sa EDSA Southbound.


Ito anya ang average speed ng mga sasakyan sa umaga hapon at patay na oras mula pa noong Setyembre ng taong ito.

Noong pre-pandemic, nasa 21.67 kph ang takbo sa EDSA Northbound at 11.02kph sa Southbound.

Sinabi ni Recio na malaki ang naitulong nang mawala sa EDSA ang city buses at nang magkaroon ng bus carousel dahil nagkaroon ng sariling linya ang mga pampasaherong bus.

Facebook Comments